Ang pagsulat ng balita ay isang proseso sa paglikha ng mga impormatibong at makapangyarihang artikulo ukol sa mga problema, pangyayari, at kwento.
Narito ang mga mabisang sikreto para makabuo ng balitang magwawagi sa NSPC.
Bilang isang periyodista para sa pagsulat ng balita, mahalagang magkaroon ng malawak na pag-iisip tungkol sa mga balita sa Pilipinas.
Table of Contents
Kahalagan ng Balita
Nagbibigay impormasyon
Ang balita ay nagiging daluyan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. Sa pamamagitan ng balita, nalalaman natin ang kasalukuyang kalagayan ng politika, ekonomiya, kalusugan, edukasyon, at iba pang aspeto ng lipunan.
Nagtuturo
Ang balita ay nagiging gabay upang matuto ang mga tao sa mga kaganapan sa paligid nila. Ito ay nagtatampok ng mga aral, kaalaman, at kasanayan na maaaring magamit ng mga mambabasa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang tamang impormasyon ay nakatutulong sa pagbuo ng tamang desisyon.
Nakapagpapabago
Ang balita ay may kapangyarihang magdala ng pagbabago sa lipunan. Sa pagbibigay-diin sa mga isyung panlipunan, nakakaimpluwensya ito sa pag-iisip ng publiko at nakapagpapasigla ng aksyon mula sa pamahalaan at iba pang sektor.
Bahagi sa Pagsulat ng Balita
Ulo ng balita (headline):
Upang lumikha ng isang magandang headline, dapat sumusunod ito sa format ng S-V-O o Subject-Verb-Object. Sa simpleng salita, sino + pandiwa + ano
Halimbawa:
A. PAGASA, isinulong ang ‘AI opsyon’ sa weather forecast
(Sino? Ang PAGASA; Pandiwa? Isinulong; Ano? Weather forecast)
B. PBBM, idineklara ang Nob. 4 bilang National Mourning Day)
(Sino? PBBM; Pandiwa? Idineklara; Ano? National Mourning Day
Sa ganitong paraan, makapangyarihan na ang iyong headline, at sumusunod sa tuntunin ng isang karaniwang headline.
Pamatnubay (Lead):
Upang lumikha ng isang makapangyarihang pamatnubay, dapat sumusunod ito sa format ng 5W at 1H o Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit?, at Paano?
Halimbawa:
A. Bilang tugon sa pagsugpo ng lumalalang kaso ng dengue sa bansa, iniulat ng Kagarawan ng Edukasyon at Lokal na Pamahalaan ng Tanza noong Hulyo 2019 na sinusuportahan nila ang kampanya ng Department of Health (DOH) laban sa dengue.
Ano? Dengue; Sino? Kagarawan ng …; Saan? Sa Pilipinas; Kailan? Hulyo 2019; Bakit? Tugon sa pagsugpo; Paano? Ang kampanya ng DOH
Madali ang paggawa ng pamatnubay, ngunit minsan ay may mga nawawalang detalye. Kung kulang ang mga detalye, ayos lamang ‘yan. Hangga’t nandiyan ang punto at nasasagot ang mga iba pang katanungan, okay na iyan.
Katawan (Body):
Dito, kailangan mong isama ang mga quote, datos, at mahahalagang detalye sa iyong balita upang masuporta ang iyong pamatnubay.
Tip: Gamitin ito bilang pormat para sa iyong balita! Makatutulong ang pyramid na ito para sa paggawa ng isang artikulong balita.
Huwag ding kalimutan ang paggamit ng aktibong boses o “active voice” sa pagsusulat ng iyong artikulo.
At tsaka, dapat 1 paragraph, 1 sentence lamang! Huwag masyadong pahabain dahil magiging “boring” ito at magmumukhang feature ang iyong ulat.
Konklusyon (Conclusion):
Madali lamang naman ang paggawa ng isang konklusyon—tandaan lamang na may quote (direct o indirect) na nakasuporta sa iyong konklusyon. Makikita rin dito ang mga “extra info.”
Bilang isang manunulat para sa balita, dapat mabilis ka sa iyong isinusulat. Huwag kalimutan ang mga simpleng teknikalidad dahil makaaaapekto ito sa kalidad ng iyong artikulo!
Ngayon, kaya mo na bang isulat ang balitang magwawagi sa NSPC?